Home » Page 4

Maraming dapat ipagdiwang

08-8-08

Hindi umiikot ang universe (naks dati mundo lang ang naaabot ng persepsyon ko at bokabolaryo at therefore vice-versa) sa akin. Hindi umiikot ang buhay sa akin. Hindi ako narito para pasayahin at paunlarin lang ang sarili ko. Bagkus, narito ako para pasayahin at paunlarin ang paligid ko. Sa halip na isipin ko kung ano’ng makukuha ko mula sa universe at sa buhay, dapat kong isipin kung ano ang maibibigay ko dito. 

*

Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa lahat ng tao at sa lahat ng oras. Hindi ko rin kailangang magpaliwanag palagi.

*

Iniisip ninyo sigurong hibang ako dahil sa mga ginagawa ko at sa buhay na pinipili ko. Hibang nga siguro ang mga taong matapang para umibig ng totoo. Sapagkat, iniibig ko ang buhay, ang katwiran at ang lahat ng nasasaklaw nito. 

Posted by sinukuan at 8:44:00 | permalink | Add comment

Flip vertical

08-6-08
No matter what you say about love I keep coming back for moreKeep my hand in the fireSooner or later,
I’ll get what I’m asking for

No matter what you say about life
I learn every time I bleed
That truth is a stranger
Soul is in danger, I gotta let my spirit be free

To admit that I’m wrong
And then change my mind
Sorry but I have to move on
And leave you behind

I can’t waste time so give it a moment
I realize, nothing’s broken
No need to worry ’bout everything I’ve done
Live every second like it was my last one
Don’t look back at a new direction
I loved you once, needed protection
You’re still a part of everything I do
You’re on my heart just like a tattoo

I’m sick of playing all of these games
It’s not about taking sides
When I looked in the mirror, didn’t deliver
It hurt enough to think that I could

Stop, admit that I’m wrong
And then change my mind
Sorry but I gotta be strong
And leave you behind

If I live every moment
Won’t change any moment
Still a part of me and you
I will never regret you
Still the memory of you
Marks everything i do

Just like a tattoo
I’ll always have you

Tattoo - Jordin Sparks

Posted by sinukuan at 15:11:00 | permalink | Add comment

Hanggang

07-20-08

Ayoko dito. Ayoko rin doon. Itinatanong mo tuloy, saan ako pupunta ngayon?

Tipikal na peti-burges. Ayaw sa kasalukuyan. Hindi naman marating ang hinaharap. Ayaw sa kung anong meron ngayon. Hindi naman maabot kung ano ang pangarap. Habang nagpupumilit iangat ang sarili, lalo namang lumulubog sa kinatatayuan.

Kung dati’y may kaunting ginhawa sa panandaliang pagtakas, ngayo’y lalong sakit at pagpapahirap sa sarili ang dulot nito. Nagiging lalong maikli ang panahon ng pagtakas dahil madaling magbalik sa katotohanan. Kumakalam ang sikmura. Napapagod ang isip. Pumipikit ang mata. Naririndi ang tenga. Nangangati ang paa.

Kung dati’y nakikitang solusyon kahit papaano ang panandaliang paglayo, ngayo’y hindi man lang magawang masagi ang ganoon sa isip.

Sa pagpupumilit ilatag ang kung saan-saang maaaring tumakbo patakas, palayo lalong nagiging malinaw na hindi iyon ang solusyon. Sapagkat ang totoo, walang buhay, walang bukas sa labas ng rebolusyon.

 

Posted by sinukuan at 9:40:00 | permalink | Comments Off

Dahil hindi pinaghihilom kung hindi pinatitigas pa ng panahon

Hayaan mong ang sakit na dinadala ng puso mong ‘di nakakalimot ang magtulak sa’yo para manatili at magpatuloy.

Posted by sinukuan at 9:36:00 | permalink | Add comment

Alaalang paulit-ulit

07-2-08
Napakalawak na ng mundong ginagalawan ko. Maraming pasikut-sikot. Oo, alam kong maaari akong mawala ng ilampung beses dahil mahina ang memorya ko at malabo ang mga mata ko. Alam ko ring maaari akong madapa at madulas ng ilampung beses din dahil mahina akong magbalanse at bukod sa mabagal maglakad at madiin kung tumapak, minsan sa totoo lang, tulog ako habang naglalakad. 
 
Pero hindi na ako takot maligaw, madapa, madulas, magkasugat. Ang kalawakang ito ang tahanan ko. Ito na ang buhay ko. At ako ay nadadapa hindi dahil sa wala akong makapitan kung hindi dahil kailangan kong matutong tumayo ng paulit-ulit at magpatuloy. Hindi naman nila ako kailanman iiwanan. 
Posted by sinukuan at 14:17:00 | permalink | Add comment