Malungkot ma’y mapagpalaya
10-15-08Ang lugar ko bilang babae ay nasa pakikibaka.
Maging ito man ay sa lansangan, sa kanayunan, sa paaralan, sa trabaho, sa loob ng pamilya o relasyon. Sapagkat lahat ng ito ay may pulitika, kung gayon may tunggalian. At habang nananatili ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, mananatiling may pagsasamantala at hindi lang simpleng pagkakaiba at tunggalian.
Kaya nananatiling makatwiran ang makibaka - para sa tama at makabuluhang pagbabago.
*
At kahit ang emosyon at konsepto ng pag-ibig sa ngayon ay hindi ligtas sa pulitika. Kadalasan, sa ganitong panlipunang kaayusan, ito pa nga ay kasangkapan sa pagsasamantala (sinasadya man o hindi).


