Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma
09-11-08Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma. Kapiling ko sa paglakiang pangamba,
hindi ko tiyak ang bukas
na laging nakakawing
sa mga lalaki ng aking buhay:
ama, kapatid,
asawa, anak.
Kinatakutan ko ang pag-iisa.
Sa pagiging ina,
kaharap ko’y tagsalat.
Pagkat ang lupit ng digmaan
ay hindi lamang
sa paggulong ng mga ulo
sa pagguhit ng espada,
kundi sa unti-unting pagkaubos
ng pagkain sa hapag.
Ay, paano sabay na magpapasuso sa bunso
habang naghahanap ng maisusubo
sa panganay?
Walang sandaling
walang panganib.
Sa sariling tahanan,
ang pagsagot at pagsuway
ay pag-akit sa pananakit.
Sa lansangan,
ang paglalakad sa gabi’y
pag-aanyaya sa kapahamakan.
Sa aking lipunan,
ang pagtutol sa kaapiha’y
paglalantad sa higit na karahasan.
Kay tagal kong pinag-aralan
ang puno’t dulo
ng digmaan.
Sa huli’t naunawaan,
na ang pagiging babae
ay walang katapusang pakikibaka
para mabuhay at maging malaya.
- Joi Barrios



SHAMELESS PLUGGING!
kung ikaw ay natuwa, nahilo, nagulat, naiyak (o kahit ano na lang), sa entry ko para sa e[kwento]mo na pinamagatang Sanlaksang Katanungan, lubos kong ikagagalak kung iboboto niyo ito. Paano ba ‘ka mo?
1. “pumunta lamang dito sa link na ito.
2. mag-iwan ng isang komentong nagsasabi na binoboto niyo ngang talaga ang Sanlaksang Katanungan ko haha.
pwedeng ganito:
(a) yeah, im making boto for Sanlaksang Katanungan, because it was like, you know, nakaka-cry.
(b) kahit hindi naman maganda at puno ng typo, sige iboboto ko na rin ang Sanlaksang Katanungan kasi ang kapal ng mukha nung author na magpromote ng sarili niyang entry,
(c) i vote for sanlaksang katanungan. period.
3. at para i-confirm ang boto, mag-eemail sila sa email address na gagamitin niyo sa pagboto, kaya naman please regularly check your inbox
hindi ipinagbabawal ang pagbabasa ng ibang entry. basahin niyo na rin baka sakaling magbago isip niyo
maraming salamat!
-prosetitute
Posted by prosetitute at October 5, 2008, 4:50 am