Ibababa mo ang satsel na sa bawat hakbang ay tipak na bato sa balikat Ang mga paang umuusad sa daa’y ilalakad rin ng daan na nilalakaran At ang mga matang humahagod sa kalayua’y hahagurin din ng mga mata ng kalayuang ito Mula sa pasimula, inisip mong hubarin ang lahat— saplot, sapatos, sombrero, salamin— upang gumaan ang magaan nang katawan Higit sa lahat Iiwan mo rin ang iyong puso, Ay, ang iyong sugatang puso na ayaw maghilom, at ipapatong sa bloke ng yelo upang kahit papaano’y hindi huminto/matuyo!
____________________________________________
Manlalakbay/III
At kung anuman ang madaratnan Sa pinaginipang patutunguhan Iyu’t iyon ay matagal nang isinalarawan ng pinsel na kamay— Siya, siya pa rin, ang nag-aalab at iniwang puso, ang mabubungaran.
- Edel Garcellano
____________________________________________
There is an innocence to be defended and an innocence which must finally be lost: an innocence which derives from justice, and an innocence which is the consequence of a lack of experience.
Bakit? Dahil ba nakikita mong mas malungkot ako sa’yo? =p -
hindi naman.. may mga pagkakataon kasi na may mga salitang hindi ko masabi, mga nararamdaman na hindi maipinta ng salita, tapos pagtapak ko dito, nahahanap ko. salamat sa mga tula mo.:)
hindi talaga iinog ang mundo at mag eexpand ang universe para sa atin. naandito tayo kasi kailangan tayo ng universe. at bakit ndi ako maka comment sa post mo hehehe +)