Home » Archives » 16. August 2008

Alalahanin

08-16-08

Hindi masaya pero hindi rin malungkot. Pero hindi rin naman kailangang i-classify sa masaya ba o malungkot. Hindi rin steady kasi umuusad. Hindi pabalik dahil pasulong. Hindi na rin urong-sulong. Hindi tahimik pero hindi rin naman maingay. Wala nang nagsisigawan. Wala na ring tameme sa isang sulok. Hindi tahimik pero maraming naririnig. Maraming gustong marinig. Ngayon, nasa pagitan ng bulungan ang kawalan pa rin ng kapayapaan. Hindi man sa lantarang bakbakan.

 

Parang nakabiting patiwarik. Pareho pa rin naman ang nangyayari pero iba na ang nakikita.

Posted by sinukuan at 9:55:00 | permalink | comments[1]