Home » Archives » August 2008

Pakalat-kalat dahil nagpapapulot.

08-31-08

You wouldn’t be offered the opportunity of leadership if you didn’t deserve personal fulfillment in the process.

 -The Emperor in the “Challenges/ Opportunities” Position 

Posted by sinukuan at 21:57:00 | permalink | Add comment

Panalangin

Hindi ganito dahil may mali sa akin o sa iba o sa paligid. Ganito dahil tunggalian lang ang may katiyakan at patuloy ang pag-iral ng mga kontradiksyon. Imbis na huminto, bumitaw, sumuko, tumakas o lumabas, ngayon ang panahon upang manatili. Dahil mahina tayo kung nag-iisa, kaya natin kailangang pumaloob at hindi magsarili. Pangmatagalan ‘to kaya kailangan nating matuto.
Posted by sinukuan at 21:34:00 | permalink | comments[1]

Ang hindi sinasabi

08-22-08

Photobucket

 Ikaw, sa paborito mong stripes na red and black shirt. At ako, sa isang earth colored shirt na wala naman talagang katumbas sa totoong buhay. Haha. Walang available na dimples para sa’yo eh. At gayundin, walang available na pimples para sa akin. 

 

Photobucket

 

Dinrowing ko sa Paint noong mahaba pa at kulot ang buhok ko.
Hindi naman totoong nagsusuot ako ng pink shirt at light blue pants.
Hindi rin totoong kumakain ako ng green peas at kamatis na parang sibuyas.
Pero totoong hindi ako makakain ng maayos ‘pag kasama kita.

 

- o -

 

 Mahilig akong gumawa ng mga cartoon version natin. Siguro kasi hindi tayo nagpapapiktyur. At siguro kasi, mas kyut tayo pag cartoons. At mas tayong tayo. Mas mukha siguro tayong cartoons kesa tao sa paningin ko. Isang taon ang pagitan ng ginawa ko ang dalawang larawan na yan. Pero pansinin mong hindi pa rin nagbabago ang t-shirt na suot mo. 

Posted by sinukuan at 4:45:00 | permalink | Add comment

Na naman

Nawawala. Malapit nang magwala. Dahil dapat nang kumawala. May nasaktan, nasasaktan at masasaktan. Pero hindi dapat sarili ang maiwanang sugatan. Higit sa kahit ano pa man, ayokong maiwanan. Subalit, tumatakas siguro dahil takot sa sariling lakas. 

Siguro. Baka. Iyan lang ang maisusugal ko sa’yo ngayon. Sana tanggapin mo dahil ‘yan lang ang nakayanan ko. Sige. Hindi na ako aasa sa mga pangako mo. Hindi ko naman ‘yun kailangan. Hindi ko rin naman kayang suklian.

Inaaral ko pa kung paano tatanggapin ang sarili ko ng buo. Hilaw, luto, mainit-init pa, bulok, inaamag na. O kung paano kong bubuuing muli ang winasak ko na o hinayaan kong wasakin nila.

 

Sana mahintay mo, hanggang sa handa na ako. 

 

*

 

Pagsusulat, Pagkanta at Pink - ito pa rin ang mga true love ko. Ayoko pa ring magsuot ng maong na pantalon, t-shirt at backpack. Parati pa rin akong tumitili at weird pa rin ang expressions ko. Oo na, kikay (pa rin) ako. Hindi ako impulsive. Hindi ako friendly. Iyakin ako at lalo akong iiyak kapag pinigilan mo ako. Ayokong umiibig sa kahit sino o ano dahil sa katunayan madali akong umibig at madaling masaktan. Kaya gusto kong inaayawan ang mga totoong gusto ko. Feeling ko ang bawat pagkakataon ang huling pagkakataon. Kaya maharot ako. Matigas ang ulo. Tamad magpaliwanag. Minsan hindi sumasabay ang utak ko sa bibig ko. Hindi naman ako sinungaling. Madali lang talagang magbago ang isip ko.

Posted by sinukuan at 3:53:00 | permalink | comments[1]

x 2. The unexpected death

When I thought it was thrilling, I suddenly got bored. The blade’s not sharp enough and the pills weren’t deadly enough either. So I decided to stop doing it for once and for all. It’s becoming too laborious it’s corny. I’d rather  live.

 

*

 

Nangangatal ang mga laman ko at

Parang may mga usok na kumakawala.Ang pagkamanhid bang ito ay
Dahil lang sa sadyang malamig,
Dahil walang kaniig o
Epekto ng sariling pagliligalig?

Isang minuto lang ang kinailangan
Para malaman kong
Ang kamatayan
Ay isang kasiguraduhan.
Naiiyak ako dahil nadama kong
Malapit na,
Muntik na
Dahil sobra na
Ngunit
Mas naiiyak ako dahil
Gusto ko pa.

 

(07/06/2007) 

Posted by sinukuan at 3:26:00 | permalink | Add comment