Home » Archives » 07. June 2008

Ang bawat pagkakataon ay panahon ng pagpanig - ng pagdedesisyon.

06-7-08

Pasukan na naman. Subalit ngayon, ‘di tulad ng mga nagdaang taon, hindi na ako mag-eenrol. Graduating na dapat ako ngayon. Pero ngayon ko lang din unti-unting natututunan na ang hindi ko na pagpasok sa paaralan ay pagpanig at pagsasabing tama na, tatahakin ko na ang direksyong dapat tahakin ng bawat isa (na dapat matagal ko nang tinahak). Ito ay pagpapasyang ganap na mag-aral at matuto ng mga bagay na may saysay sa sarili at sa lipunan. Bukod doon, ang totoo lang namang pagsisilbi sa bayan ay ang paglahok sa pakikibaka ng mga mamamayan.

Pero gayunpaman, walang anumang bagay ang tapos na. Ang bawat pagkakataon ay panahon ng pagpanig - ng pagdedesisyon.  

Posted by sinukuan at 10:09:00 | permalink | Add comment