Home » Post Item » Isang mapagpalayang gabi.

Isang mapagpalayang gabi.

04-28-08

Masaya lang ako.

Madalas gutom. Lalong pumayat. Malaki ang eyebags dahil sa araw-araw na pagpupuyat. Makapal na ang kalyo sa paa. Hindi kumokonti bagkus ay dumadami pa nga ang tighiyawat. Palaging marumi ang kuko dahil sa alikabok sa kalsada. Dahil sa kalalakad, masakit lagi ang paa.

Pero sana mapansin kahit sa ganito kong hitsura na masaya ako. Masayang masaya.

Posted by sinukuan at 23:02:00 | permalink

Add a comment