Over pedicure.
04-7-08Salamat sa tiwala mo. Alam kong hindi madaling ibukas ang mga ganoong personal na bagay. Pero hindi naman ako ibang tao sa’yo at alam nating pareho na kung may dapat magdamayan, tayo ‘yun. Salamat sa tiwala mo sa kakayahan kong makinig at umunawa, hindi man magpayo. Matagal ko nang gustong itanong sa’yo ang parehong bagay na itinanong ko sa’yo: Ano ba talaga ang gusto mo? Hindi na ako nagulat noong itinanong ko sa’yo iyon at hindi ka nakasagot nang maayos. Basta ang sabi mo lang, gusto mong gumawa ng mga bagay na gusto mong gawin. Hindi na nakapagtatakang malaman na hindi rin malinaw para sa’yo kung ano nga ba ang gusto mo. Paanong hindi, eh buong buhay mo ang gusto lang ng ibang tao ang alam mo.
Hindi ko rin alam kung ano ang makapagpapaligaya sa’yo ngayon. Pero kahit papaano, alam ko ang makabubuti sa’yo. Hindi ko man maipagkaloob sa’yo kung ano ang makapagpapaligaya sa’yo o kung ano talaga ang gusto mo (na not necessarily kailangan mo), at least kahit papaano matutulungan kitang malaman at makuha ‘yun gamit ang sarili mong lakas, talino at kapasyahan.
Hindi pa naman huli ang lahat. Kahit tumatanda na tayong pareho, hindi naman nangangahulugan na magkakalayo tayo - kahit pa pag maglaon ay lisanin ko na ang tahanan nating ilang taon ding nagbuklod sa atin.
Kung noon, pinagbubuklod lang tayo ng dugo, espasyo at mga alaala ng maraming taong pagsasama, nakikita kong ngayon ang simula ng pagbubuklod natin sa prinsipyo na sa aktwal ay mas makapagbibigkis sa atin higit pa sa kung paano tayo nagbibigkis ngayon bilang mag-ina.
Hangad ko ang sabay nating pag-unlad at paglaya.
Previous Comments
Where water conflict in the encounter, which took the vitality of liberation.
Posted by Cheap Juicy Couture Bags at January 14, 2011, 3:31 pm


Share what you learn with everyone, and make it our new standard.
Posted by juicy couture outlet at December 29, 2010, 2:22 pm