Palipad-hangin 01
04-4-08Wala mang katiyakan ang mga bagay, sana sapat na (kahit ngayon lang) ang sinsero kong kagustuhang matuto at gawin ang dapat at kailangan. Hindi ako nagtatalumpati sa hangin. Kinakausap ko lang ang sarili ko. Kailangan ko ‘yun sa mga panahong tulad nito. Kahit kailan, hindi naging madaling pumanig at magpasya.


