Home » Post Item » O.P.

O.P.

02-24-08

Parang may mali sa ginagawa ko ngayong pagharap sa kompyuter at pagbablog. Parang may mali rin sa pakikinig ng isang lab song na nagpapahiwatig ng burgis na pag-ibig. Parang may mali sa pagcheck-in sa hotel sa kasagsagan ng lahat ng mga kaganapan sa bansa. 

Hindi ko alam, ako ba ang may problema? Parang may mali sa posisyong kinalalagyan ko. Parang hindi ako dapat narito. Parang may pakiramdam akong hindi ito talaga totoo.

Nagbiblink ang cursor sa monitor. Nahihintay sa mga susunod na salitang itatayp ko.  Pero parang may mali sa pag-iisip ng susunod na itatayp. Parang may mali sa pag-iisip lang. Parang may mali sa paghihintay lang.

 

Posted by sinukuan at 18:05:00 | permalink

Add a comment