Home » Archives » February 2008

O.P.

02-24-08

Parang may mali sa ginagawa ko ngayong pagharap sa kompyuter at pagbablog. Parang may mali rin sa pakikinig ng isang lab song na nagpapahiwatig ng burgis na pag-ibig. Parang may mali sa pagcheck-in sa hotel sa kasagsagan ng lahat ng mga kaganapan sa bansa. 

Hindi ko alam, ako ba ang may problema? Parang may mali sa posisyong kinalalagyan ko. Parang hindi ako dapat narito. Parang may pakiramdam akong hindi ito talaga totoo.

Nagbiblink ang cursor sa monitor. Nahihintay sa mga susunod na salitang itatayp ko.  Pero parang may mali sa pag-iisip ng susunod na itatayp. Parang may mali sa pag-iisip lang. Parang may mali sa paghihintay lang.

 

Posted by sinukuan at 18:05:00 | permalink | Add comment

Walang ibang panahon kung hindi ngayon.

02-21-08

Kaya nagpapasya ang isang tumindig at lumabas, iwanan ang sariling maliit na mundo at lawakan ang pagtanaw ay dahil sa umiigting na tunggaliang nagtutulak sa kanyang pumanig at magpasya. Ito ay katibayang papatindi ang krisis kaya hindi na makakayanan pa ang magtiis. Bawat panahon - lalo na ang ngayon - ay napakahalaga. At kung bakit naman mahalaga ang ngayon ay dahil sa bukas na matagal nang nagsimula at patuloy na nabubuo

 

ngayon.

Posted by sinukuan at 21:03:00 | permalink | Add comment

Kating-kati na kasi

02-2-08

Hindi naman dahil sa gusto ko nang umalis.  Ayoko lang talagang manatili.

Posted by sinukuan at 23:12:00 | permalink | comments[1]